Ama inasarol ng anak

BALAGTAS, Bulacan, Philippines — Brutal na pinatay ng isang 15-anyos na lalaki sa pama­ma­gitan ng asarol ang kanyang tatay matapos na makipagtalo ang huli sa una. Ang bikti­mang si Levy Pas­cua, 60 an­yos, residente ng Kalye Pogi, Barangay Bu­rol 1 sa bayang ito ay pinatay sa palo sa ulo ng asarol ng kanyang anak na itinago sa pangalang Arthur.

Dakong alas-6:00 ng gabi nang madinig ng isang ka­pitbahay na humihingi ng tulong ang biktima at laking gulat niya nang makitang inihuhulog na ng suspek ang biktima sa balon. Nang ares­tu­hin, ikinatu­wiran ng suspek na wala siya sa sarili nang gawin ang krimen. Agad na inilipat sa Department of Social Welfare and Development ang sus­pek. (Boy Cruz)

Show comments