RIZAL, Philippines – Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng robbery hold-up gang ang naaresto ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Sitio Napocor, Brgy. Mahabang Parang sa bayan ng Angono, Rizal kamakalawa.
Kinilala ni P/Supt. Herminio Cantaco, hepe ng Angono PNP, ang mga suspek na sina Jerry Arapil, 38; Rodolfo Sta. Ana, 18; Marlon Sta. Ana, 29 at si Michael Sta. Ana, 27, pawang mga nakatira sa nabanggit na barangay.
Naaresto ang mga suspek matapos ipagbigay-alam ng ilang security guard sa pulisya ang modus operandi ng apat na nanghoholdap sa mga pampasaherong sasakyan na dumaraan sa nasabing barangay. Narekober sa mga suspek ang isang cal. 38 pistol at dalawang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu. (Ricky Tulipat)