ZAMBALES , Philippines – Anim-katao na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato na nagpapakalat ng bawal na droga ang dinakma ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales kahapon ng umaga.
Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Cielito Mendaro ng Manila Regional Trial Court Branch 29, sinalakay ng mga tauhan ng PDEA, Phil Coast Guard, PNP-SOG ang kuta ng mga suspek na sina Mercilito at Ian Aquino; Melencio at Mario Lopez Jr., Melanio Sabian at si Erick Dela Cruz na pawang naninirahan sa Purok 3-C, sa nabanggit na barangay at ngayon ay nakakulong sa Camp Olivas, Pampanga.
Nasamsam ng pulisya ang isang regular size marijuana plant, mga drug paraphernalias, mga baril at 45-gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P.2 milyon. Alex Galang