BATANGAS CITY , Philippines – Karit ni kamatayan ang sumalubong sa dalawang pamangkin ng dating alkalde makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na cargo truck sa kahabaan ng highway sa Batangas City, Batangas kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Supt. Manuel Abu, hepe ng Batangas City PNP, ang mga biktimang sina Dondon at Chris Berberabe, kapwa residente ng Brgy. Pinamucan at pamangkin ng dating Batangas City Mayor na si Dado Berberabe.
Base sa police report, sakay ng motorsiklo (1802 MCDQ) ang dalawa na binabagtas ang kahabaan ng highway sa Barangay Gulod Labac nang sumalpok sa trak na may lulang liquified petroleum gas (PYZ 204 at NUT 965) na minamaneho ni Reynaldo Tero. Sumuko naman si Tero sa pulisya at kasalukuyang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide. Arnell Ozaeta