8 pulis, 2 pa sugatan sa NPA

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines – Walong pulis at dalawang sibilyan ang iniulat na nasugatan matapos masabugan ng landmine ang sinasakyang pampasaherong jeepney ng mga biktima sa panibagong paghahasik ng terorismo ng mga rebeldeng New People’s Army sa bisinidad ng Ba­rangay Villa Alvarez sa bayan ng Balud, Masbate kahapon.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, lulan ng pampasaherong jeep­ney ang walong pulis na miyembro ng 506 Provincial Police Mobile Group at ang dalawang sibilyan nang ma­sabugan ng landmine na itinanim ng mga rebelde.

Kasa­lukuyang pang bineberipika ang pagkikilanlan ng mga bik­tima na patungong Masbate City mula sa Brgy. Panguiranan ng nabanggit na bayan. Ed Casulla

Show comments