Pumatay sa bading, arestado

BULACAN, Philippines  – Kalaboso ang binagsakan ng isang 18-an­yos na estudyante matapos maaresto kaugnay sa pag­patay sa isang bading noong nakalipas na taon sa Brgy. Bu­lihan, Malolos City, Bulacan. Pormal na kinasuhan ng pu­lisya ang suspek na si Celso “Jason” Dela Cruz na isinasangkot sa pagpaslang sa biktimang si Jeffrey Aniceto, 34, ng Brgy. Sumapang Matanda sa Malolos City. Ayon kay P/Insp. Epaprodito Aliling, inginuso ng testigong kaibigan ng biktima, ang suspek kaya sumingaw ang krimen noong Nobyembre 23, 2008 sa nabanggit na barangay. Boy Cruz

Show comments