Kumadrona kinatay ng lover

Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 33-anyos na kumadrona na sinasabing pinagselosan makaraang saksakin at katayin ng kanyang lover na taxi drayber sa Barangay Busay, Cebu City kamaka­ lawa.

Kinilala ang biktima na si Dee Ann Alcala, habang arestado naman ang sus­pek na si Onizimo Taning­co. 

Napag-alamang si Ta­ningco ay nangungupahan sa bahay ni Alcala at si­na­sa­bing kapwa nagkagus­tuhan.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Cra­me, naganap ang insi­dente sa loob ng bahay ng biktima matapos itong kom­pron­tahin ng suspek.

Sa pahayag ng anak ng biktima, sinugod ng drayber na lango sa alak ang kan­yang ina dahil sa napaba­li­tang pakikipagkita sa dati nitong boyfriend na labis namang pinagseselosan ng suspek.

Nabatid din na tumang­ ging makipag-usap ang biktima sa suspek na seng­lot kaya nagalit ito at kinuha ang patalim saka ilang ulit na inundayan ng saksak ang kumadrona.

Sa presinto, iginiit ni Taningco na 6-buwan na silang may relasyon ng biktima at hindi na ito dapat na makipagkita pa kahit ka­nino lalo na sa dating kasin­tahan.

Nahaharap ngayon sa kasong murder si Taningco na nakakulong sa detention cell ng Cebu City PNP. (Joy Cantos)

Show comments