6 na B'laan niratrat, dedo

Anim na miyembro ng tri­bong B’laan ang nasawi nang pagbabarilin ng li­mang armadong lalake sa isang pananambang sa Barangay Cebuano, Tupi, South Cotabato nitong Huwebes ng hapon.

Sa phone interview, kinilala ni South Cotabato Provincial Police Director Sr. Supt. Robert Kuinisala ang mga nasawing biktima na sina Loreto Magun, Rico Yan, Gal Saligan, Decino Saligan, Irene Saligan at Karing Saligan, pawang kasapi ng tribong B’laan at mga residente ng Sitio Landayaw, Brgy. Ce­ buano.

Ayon kay Kuinisala ang insidente ay naganap mis­mo sa Sitio Landayaw, Brgy. Cebuano bandang alas-5 ng hapon.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang mga suspek na sina Danny Boy Hulom, Tata Cuarte, Joma­rie Lagkaw at Lucky Boy Lagkaw.

Bigla na lamang uma­nong sumugod sa lugar ang mga suspek at pinag­babaril ang mga biktima gamit ang 12 gauge shotgun saka mabilis na nag­sitakas matapos ang kri­men.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng Tupi Police, sinasabi ni Kuinisala na lumilitaw na alitan sa lupa ang motibo ng pamamas­lang.

Nabatid pa sa opisyal na ang mga suspect ay maraming beses na ring nasangkot sa mga kaso ng alitan sa lupa sa lugar. (Joy Cantos)

Show comments