2 tinedyer pinagbabaril, todas

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang tinedyer ng dalawang na­ka­motorsiklong armadong salarin habang isa pa ang malubhang nasugatan sa kahabaan ng Osmeña Drive, Kidapawan City kahapon ng madaling araw.    

Agad na nasawi sa tina­ mong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan ang mga biktimang sina Michael Peñafranda at isang tinukoy lamang sa pangalang Julio, kapwa residente ng Nursery Phase 2 ng lungsod.     

Agad namang isinugod sa Kidapawan Doctors Hospital ang sugatang bikti­mang si Ben Rabino Garcia para malapatan ng lunas.   

Naglalakad sa lugar ang mga biktima nang biglang sumulpot ang isang motor­ siklo na sinasakyan ng da­lawang lalaki at pinag­ba­baril sila. Pinaniniwalaan namang love triangle ang motibo ng krimen dahil isa umano sa mga suspek ay karibal sa pag-ibig ng isa rin sa mga biktima. (Joy Cantos)

Show comments