Marijuana dealer kalaboso

DAGUPAN CITY, Pangasinan — Bumagsak sa bitag ng pulisya ang sinasabing notoryus marijuana dealer sa isinagawang buy-bust operation kahapon sa bisinidad ng A.B. Fernandez East sa Dagupan City,Pangasinan.

Ang sus­pek na may operasyon sa Dagupan City at kalapit na bayan ng Mangaldan at San Fabian sa Pangasinan ay nakilalang si Narciso Velasquez, 34, tubong-Brgy. Guilig, Mangal­dan at residente ng Barangay Tococ, San Fabian, Panga­sinan.

Ayon kay P/Supt. Mariano Luis Verzosa,Jr., hepe ng Dagupan PNP, nasamsam sa suspek ang 6-kilong marijuana bricks na sinasabing kinuha pa sa Benguet matapos ilatag ang buy-bust operation sa pamumuno ni P/Insp. Leo Llamas, hepe ng intelligence division at anti-illegal drugs special operations group ng Dagupan police. (Cesar Ramirez)

Show comments