Magbayaw tiklo sa drug bust

ORMOC CITY, Leyte – Rehas na bakal ang binag­sakan ng magbayaw ma­ka­raang arestuhin ng mga awtoridad sa isinagawang drug bust operation kaha­pon ng madaling-araw sa Sitio Cambiting sa Ba­rangay Naungan, Ormoc City.

Kinilala ni P/Senior Insp. Vergilio Bayen-on, ang mga suspek na sina Faus­tino “Teting” Ceniza, 49; ang bayaw nitong si Ramil Itang na kapwa nanini­rahan sa nabanggit na ba­rangay.

Napag-alamang sina­lakay ng pulisya ang bahay ni Ceniza sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Apolinario Bua­ya ng Ormoc City Regional Trial Court Branch 12.

Nasamsam ng mga tau­han ni Bayen-on mula sa suspek ang ilang peketeng plastic na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at ‘di-nabatid na bi­lang ng rolyo ng marijuana

Base sa record ng pu­lisya, ang asawa ni Ceniza na si Isabel ay kasaluku­yang nakapiit din sa provincial jail matapos makum­pis­kahan ng isang kilong marijuana sa pantalan ng Isabel, Leyte noong 2008.

Naging saksi sa isina­gawang drug bust operation sina Barangay Chairman Eu­ logio Dajab, Ka­gawad Er­nes­to Cañete, Kagawad Victorino Galo, Kagawad Rafael Taneo, hepe ng tanod na si Jose Sode at ang pangkat ng City Mobile Group sa pamumuno ni P/Supt. Eleazar Eglosa. (Roberto C. Dejon)

Show comments