Mag-anak bibili lang ng hapunan, sinalpok, todas

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng isang pamilya ang nasawi matapos salpukin ng isang rumaragasang truck ang sinasakyan nilang motor­siklo sa Guagua, Pam­panga ka­ ma­kalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Albert Sunga, misis nitong si Jackielou at anak na si Diego.

Batay sa ulat na Police Regional Office 3, dakong alas-8:00 ng gabi nang ma­ganap ang aksidente sa ka­habaan ng Gapan-Olongapo Road sa Barangay San Jose sa Guagua.

Tinatahak ng pamilya ang naturang lugar lulan ng mo­torsiklo upang bumili ng ka­nilang hapunan nang sal­pukin ng rumaragasang truck.

Sa lakas ng pagkaka­bangga ay tumilapon ang mga biktima na nagtamo ng gra­ beng mga pinsala sa ka­tawan partikular na ang ba­tang la­laking anak ng mag-asawa.

Nakaladkad pa umano ang tatlong biktima dahilan ng aga­ ran nilang kamatayan matapos ang mga itong ma­gulungan ng truck. (Joy Cantos)

Show comments