Nene grabe sa ligaw na bala

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kala­gayan pa habang isinusulat ito ang isang limang taong gulang na batang babae matapos itong aksidenteng tamaan ng ligaw na bala ha­ bang natutulog sa kani­lang ta­hanan sa Barangay Bakhaw, Mandurriao District, Iloilo City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima sa pangalan lamang nitong Lyn, residente sa lugar na nagta­mo ng tama ng bala sa likod.

Ang bata ay patuloy na isi­nasalba ang buhay sa Western Visayas Medical Center.

Naganap ang insidente sa labas ng tahanan ng pamilya ng biktima habang may mga naglalaro dito ng tong-its da­kong alas-12:30 ng hating­gabi.

Nag-ugat ang insidente ma­ tapos galit na sunduin ng sus­pek na kinilala lamang sa pangalang Eping ang kani­yang misis na si Lily Ann Lim, 28 anyos ng Land­heights Subdivision, Jaro District ng lungsod.

Nang tumangging umuwi si Lily Ann na ayaw paawat sa tong-its ay nagalit si Eping at pinukpok ito ng baril sa ulo.

Aksidente namang pu­mu­tok ang nasabing baril dahilan nakalabit ni Eping ang gatilyo nito na ang bala ay tumama sa natutulog na biktima. (Joy Cantos)

Show comments