Mag-asawang trader, drayber nilikida

BAGIUO CITY – Ti­nambangan at napatay ang mag-asawang negos­yante at drayber nila ng mga armadong kalalakihan sa naganap na panibagong karahasan kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte.

Sa phone interview, kini­lala ni  P/Supt, Benjamin Lusad, officer- in-charge ng Ilocos Sur Provincial Police Office, ang mag-asawang sina Eddie Tabradilla at Eden Tabradilla, may-ari ng videoke bar at ang drayber ng mag-asawa na si Ale­jandro Balaco.

Ayon kay Lusad, naga­nap ang pananambang sa bisinidad ng Brgy. Manal­pac sa bayang nabanggit habang papauwi na ang tatlo bandang alas-4 ng ma­daling-araw.

Samantala, sa follow-up operation, naaresto naman ang dalawang suspek na tumangging pangalanan ng pulisya na kasalukuyang isinasailalim sa paraffin test habang patuloy pa ang pagtugis sa iba pang mga suspek.

“Apparently the motive of the incident is personal grudge, were still investigating the case,” dagdag pa ni Lusad kung saan ang mga suspek ay itinuro ng mga testigo. 

Show comments