5 sugatan sa patrol car

IVISAN, Capiz, Philippines - Lima-katao kabilang ang tatlong miyembro ng Boy Scouts of the Phils. ang iniulat na nasugatan makaraang masagi ng police patrol car ang pampasaherong jeepney, kahapon ng umaga sa bayan ng Ivisan, Capiz. Kabilang sa mga sugatan ay sina Don-don Declaro, 12; Paul Rey Barrientos at Michael Beluso na pawang mag-aaral ng Katipunan Village Elementary School, samantalang sugatan naman ang ina ni Beluso at si PO1 Bonifacio Vergara kung saan tinamaan ng gulong na nabaklas sa pampasaherong jeepney. Napag-alamang nagsilbing convoy ang patrol car sa pagbisita ng tumatayong director ng PNP Directorate for Community Relations na si P/Chief Supt. German Doria, nang mag-agawan sa linya ang police patrol car ni PO3 Gerald Biernes sa lane at ang pampasaherong  jeepney. Joy Cantos

Show comments