Naglaro ng baril, nadisgrasya

San Juan, Ba­tangas, Philippines – Isang 36-anyos na sekretarya ng Sanggu­niang Bayan ang nasawi matapos mabaril ang sarili habang nakikipag inuman sa mga kaibigan sa bayang ito kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ni Superintendent Manuel Abru­jena, hepe ng San Juan Police, ang biktimang si Joel Lasat, 36, resi­dente ng Barangay Ca­lit, San Juan, Batangas.

Ayon sa report, na­kikipaginuman si Lasat sa kanyang mga kaibi­gan sa Barangay Pala­hanan 2 nang makatu­waan umano nitong la­ruin ang isang kalibre 45 baril bandang alas-3:30 ng hapon.

Ilang saglit pa, bigla nalang umanong pu­mutok ang naturang ba­ril at tinamaan ang bik­tima. (Arnell Ozaeta)

Show comments