2 'tulak' ng shabu arestado

SUBIC, Zambales — Dalawa-katao na sinasabing notoryus na drug pusher ang inaresto ng mga operatiba ng 315th Police Provincial Mobile Group sa isinagawang drug bust operation sa bisinidad ng Barangay Cala­pacuan, Zambales kahapon ng umaga.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Raymund Viray ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 75, dinakip ang mga suspek na sina Arached Catalan at Sonny Muji, 19. Si Cantalan ay nasa listahan ng pulisya na isa sa nagpapakalat ng bawal na gamot sa mga bayan ng Subic, Castillejos, San Marcelino at Olonga­po City.

Ayon kay P/Supt. Jerry Sumbad, nasamsam sa mga suspek ang dalawang baril, 55 gramo ng shabu, dala­wang weighing scale, iba’t ibang uri ng bala at P15, 700 na sinasa­bing koleksyon sa pagbebentang ng droga. (Alex Galang)

Show comments