Trainer utas sa boksing

BULACAN – Isang 30-anyos na coach ng boksing ang iniulat na nasawi noong Linggo (Feb 1) ma­karaang lu­maban sa pa­ligsahan ng bok­sing sa Barangay San Martin 2, San Jose del Monte City, Bula­can.

Kinilala ng pulisya ang bik­tima na si Dante Des­ta­­ca­mento ng Block 14, Lot 5, Pu­rok 9 sa nabanggit na ba­rangay. Sa naantalang ulat ng pu­lisya, lumilitaw na nahikayat ng mga resi­dente na lumahok sa palig­sahan si Destaca­mento na ang naging kalaban ay si Ronnie Mendoza, 30.

Napag-alamang sa ka­lagitnaan ng round 6 ay naka­ramdam ng sakit sa ulo kaya itinigil ang boksing hanggang sa bumagsak sa luna si Destaca­mento.

Naisugod sa Ospital ng San Jose Del Monte saka inili­pat sa Phil. General Hospital sa Manila para maobserbahan ang biktima sa anumang sakit.

Gayon pa man, mata­pos masuri ay pinayagan na­man ng mga doctor na umuwi na la­mang ang bik­tima subalit kinagabihan ay namatay na ito sa hindi nabatid na dahilan.

Sa muling pagsusuri ng mga doktor na ang bik­tima ay nagka­roon ng subdural (arachnoid me­ninges sa paligid ng utak) dahil sa tina­mong mga suntok sa ulo.

Hindi naman nabatid kung may pahin­tu­lot ng kinauukulang ahen­sya ng lokal na pamaha­laan ang ginanap na palig­sahan na boksing (Romeo “Boy” Cruz )

Show comments