Tinyente at babae dinampot

Inaresto ng mga awtori­dad ang isang Army Lieutenant at babaeng kasama nito matapos na iturong nasa likod ng pag-atake sa isang huwes nitong Enero sa Cotabato City, ayon sa opisyal kahapon.

Nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearms and ammunition at iba pang kasong kriminal ang suspek na sina Lt. James Garcia at Zenaida Pasigan.

Ayon kay Cotabato City Police Sr. Supt. Willie Da­ngane, ang mga ito ay na­sakote sa Krislamville, Rosary Heights 6 ng nasabing lungsod dakong alas-2:35 ng hapon.

Nasamsam sa pag-iingat ng mga ito ang isang M 16 rifle, isang caliber .45 pistol at ilang mga bala.

Ang mga suspek umano ang umatake kay Judge Bansawan Ibrahim nitong nakalipas na Enero 31 ng taong ito. (Joy Cantos)

Show comments