CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Tatlo katao ang nasawi at dalawa pa ang nasa malubhang kalagayan matapos salpukin ng isang pampasaherong bus ang kanilang sinasakyan tricycle kamakalawa ng gabi sa Maharlika Highway, Barangay Dunao, Ligao City. Nakilala ang mga nasawi na sina Ernesto Pitas, Sherwin Canbosa at Christopher Calmante. Ang dalawang sugatan ay isinugod sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital.
Isa namang 42-anyos na lalake ang namatay habang sugatan naman ang isa pang kasamahan nito makaraang tumirik ang isang dambuhalang trak mula sa paahong kalsada at maatrasan ang mga una habang sakay ng isang motorsiklo sa Rodriguez Rizal kamakalawa. Kinilala ni Rodriguez Police Chief Supt. Felipe Abigan Jr. ang nasawi na si Antonio Galang ng Ampid, San Mateo at ang sugatan naman ay si Richard Layao ng Bagumbayan, Libis, Quezon City. Nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng Isuzu Elf na si Leo Altiza, 28. (Ed Casulla at Ricky Tulipat)