6 suspek sa ambus, kinasuhan

Sinampahan ng kauku­lang kaso ang anim na mi­yembro ng grupong Revolutionary Proletariat Army – Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB) na sinasabing sangkot sa ambus sa sa­sakyan  ng isang opisyal ng Metro Manila Development Authority (MM­DA) na ikina­sawi ng dray­ber  nito at sugatan na­man ang 14-anyos nitong anak na lalaki sa bayan ng San Pedro, La­gu­na noong Lunes ng Pebrero 2.

Kabilang sa mga suspek na kinasuhan sa San Pedro Prosecutors Office ay sina Chivas “Sniper” Gerona, Mateo “Popok” Crisanto at si Jessie Oro na pawang ka­sapi ng RPA-ABB, na sina­sabing tumiwalag na sa mga rebeldeng New People’s Army.

 “They were positively identified by the witnesses through police files,” paha­yag ni P/Senior Supt. Ma­nolito Labador, Laguna police director.

Lumilitaw sa imbesti­gas­yon na si MMDA Sidewalk and Clearing Operations chief Roberto “Bobby” Esquivel, ang target ng mga suspek na ikinasugat ng kanyang anak na si Mico habang namatay naman ang driver na si Johnny Agbay.

Kaugnay nito, nag­dispatsa na ng pangkat ng tracker ang pulisya sa Metro Manila, Southern Luzon at Central Luzon para tugisin ang iba pang suspek kung saan naunang nadakip si Gerona. Joy Cantos

Show comments