Valentine program sa radyo itinigil

Ipinatigil na ng pamu­nuan ng radio  station ang puma­tok na dating program na “Hi Pangga” para sa Valentine’s Day sa pa­mamagitan ng text messages makaraang ma-rape slay ang isang babae ng ka-textmate sa Mandaue City, Cebu, ayon sa ulat ka­hapon.

Sa pakikipagpulong ng pa­munuan Energy FM sa pa­ngu­nguna ni station manager Roger Calupe sa Kapi­sanan ng mga Brod­kaster sa Pilipi­nas (KBP), nagdesis­yon si­lang pan­samantalang itigil ang nabanggit na pro­grama para protektahan ang radio station at organization ma­tapos halayin at mapa­tay ang biktimang si Emilie Nuñeza ng isang lalaki na naging ka-text­mate sa pa­mamagitan ng nasa­bing radio program.

Sinabi pa ni Calupe na ga­gawa sila ng paniba­gong pro­grama na kakaiba sa na­unang dating program.

Nabatid na ang nasa­bing radio station ay nag­bro-broadcast ng mga cell phone number ng mga dalaga at bina­tang nais na mag-date sa pa­ma­magitan ng text messages sa tulong na rin ng Valentines program ng nasa­bing him­pi­lan.

Ayon sa police report, si Nu­ñeza ay pinaslang ng text­mate nito na nakilala ng da­laga sa pamamagitan ng Ener­gy FM na nagpakilala la­mang sa alyas “Michael.”

Ayon sa police report, ti­norture, ni-rape saka pi­nas­lang ng suspek na si Mi­chael at posibleng ng isa pa nitong kasabwat sa kri­men hang­gang sa ma­tag­puan ang bangkay nito sa Man­daue City Reclamation Area may da­lawang araw na ang naka­lipas. 

Samantala, pinabula­anan naman ng pamunuan ng Star-FM radio station na may kaugnayan sila sa Energy radio kung saan nakilala ng sus­pek ang biktima ay isang factory worker sa Mactan Export Processing Zone sa Lapu-Lapu City. Joy Cantos

Show comments