2 hinalay sa sementeryo

RIZAL – Tatlong kalalaki­han ang inaresto ng mga aw­toridad matapos na ireklamo ng panggagahasa sa dala­wang dalagita sa loob ng se­menteryo matapos painumin ng alak sa Barangay, Banaba sa bayan ng San Mateo, Ri­zal.

Sa ulat ni Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng San Ma­teo Police, kinilala ang mga suspek na sina Joel Alonzo, 31; Arman Navalta, 18; at Ro­que Cafe, 51, pawang mga tricycle driver at nakatira sa Baybay Sapa, Barangay Ba­na­ba sa nasabing bayan.

Sila ay dinakip base sa sum­bong ng mga magulang ng biktimang itinago sa mga pangalang Marie, 15 anyos, at Rosa, 17, kapwa nakatira sa Baybay, Sapa ng nasabing Ba­rangay. Ginahasa umano ang dalawang dalagita sa damuhan ng sementeryo sa C-6, Barangay Banaba ganap na alas 8:00 ng gabi. (Ricky Tulipat)

Show comments