Napaslang ang mayor ng Albarkah, Basilan at dalawa nitong security escorts habang apat pa ang nasugatan makaraang tambangan ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Tipu-Tipo ng lalawigang ito kahapon ng hapon.
Sa isang phone interview, kinilala ni Lt. Col. Vincent Leonard Teodoro, commander ng Marine Battalion Landing Team 7, ang nasawing opisyal na si Mayor Jakilan Karam. Nasawi rin sa insidente ang driver at dalawang security escort ni Karam habang sugatan namang isinugod sa pagamutan ang apat pang kasama ni Karam kabilang ang kaniyang bodyguards.
Ayon kay Teodoro, naganap ang pananambang sa bisinidad ng Brgy. Banunodagao, Tipo-Tipo bandang alas-4:15 ng hapon nitong Huwebes. (Joy Cantos)