2 holdaper dedo sa barilan

Talisay, Batangas – Dalawang pinaghihina­laang miyembro ng robbery-holdup gang ang na­patay habang isa nilang kasamahan ang sugatan sa pakikipagbarilan sa pu­lisya matapos mambiktima ng mga negosyanteng Ko­reano sa bayang ito kaha­pon ng umaga.  

Kinilala ni Talisay Police Chief Inspector Raymund Gary Mayuga ang mga napatay na suspek na sina Jonnel Simbahan at Nor­man Gatdula na kapwa residente ng Barangay Ambulong, Tanauan City at hinihinalang miyembro ng robbery-holdup gang na kumikilos sa Southern Tagalog.  

Arestado naman ang isa pang suspek matapos tamaan ng bala ng baril na si Cesar Labisto, 35, ng Victoria, Laguna, saman­talang nakatakas naman ang isang nakilala lamang na alias Tet.  

Ayon sa report, sakay ang dalawang Koreano sa kani­ lang Kia Sportage (RCY-209) at binabagtas ang highway sa Barangay Sta. Maria nang harangin sila ng mga suspek habang nakatutok ang mga baril bandang alas-4:45 ng umaga.  

Dahil sa takot, bigla na­lang umanong iniatras ng dalawang Koreano ang ka­ nilang sasakyan para taka­san ang mga suspek pero na­hulog ito sa kanal at tulu­yang limasin ang kanilang mga personal na gamit at P6,000.00 cash ng mga holdaper bago nagsi­takas.  

Nakilala ang mga bik­timang sina Roh Kwan Hyun, 40 at Shin Young Seob, 50, pawang mga may-ari ng Tropical Jungle Resort sa Talisay. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

Show comments