CAMP MELCHOR DELA CRUZ, Gamu, Isabela – Instant millionaire ang sibilyang tipster na nagbigay ng impormasyon sa tropa ng militar sa pagkakaaresto sa isang top wanted na lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army sa Northern Luzon.
Sa simpleng seremonya kahapon ng umaga sa Camp Aquino, Tarlac City, personal na iniaabot ni AFP- Northern Luzon Command chief Lt. Gen. Isagani Cachuela, ang P2 milyon sa tipster na nakatalukbong pa ang mukha para na rin sa seguridad nito.
Ang nasabing tipster na nagbigay ng impormasyon para madakip si Randy Felix Malayap (alyas Ka Panyo, Tonyo, James at Edu) ay nadakma sa bisinidad ng Ortigas Extension, Brgy. Malik, Cainta, Rizal noong Mayo 15, 2008.
Si Malayap na dating student leader sa University of the Phils. ay tumatayong deputy secretary ng Northeast Luzon Regional Committee, na pinuno ng education committee at gumamit ng pangalang Salvador del Pueblo bilang alyas ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest ng korte sa Tuguegarao City sa kasong murder, at frustrated murder.
Pinaniniwalaan ding sangkot si Malayap sa pagpatay kay dating Cagayan Governor Rodolfo Aguinaldo, pananambang sa mga sundalo ng Philippine Army sa San Mariano, Isabela, at pag-ambush sa negosyanteng si Benjamin “Rigor” Olalia Jr.
Magugunita na noong 2008 ay nasakote rin ng Army Intelligence si Elizabeth Principe na tumatayong secretary ng NELRC na may patong sa ulo na P5 milyon. (Victor Martin)