Gun permit sa Cebu sinuspinde ng PNP

Suspendido muna pansamantala ang Permit to Carry Firearms Outside Residence sa buong Cebu kaugnay ng pagdiriwang ng Sinulog Festival sa Linggo.

Ang direktiba ay ipinag-utos ni Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa base sa rekomendasyon ni Police Regional Office 7 Director Chief Supt. Ronald Roderos.

Ang suspensyon ng PTCFOR ay epektibong ipinatupad simula dakong alas-12 ng hatinggabi ng Enero 16 at tatagal hanggang alas-12 ng hatinggabi ng Linggo.     

Sinabi ni Verzosa na kanyang binigyang-bigat ang rekomendasyon ni Roderos upang matiyak na magiging mapayapa ang pagdiriwang ng okasyon. (Joy Cantos)

Show comments