32 MILF todas sa air strike

Umaabot na sa 32 mi­yembro ng Moro Islamic Liberation Front rene­ gades ang napaslang sa dala­wang araw na air­strike operations sa uma­atika­bong bakbakan ng militar at ng MILF sa Kalamansig, Sultan Kuda­rat, ayon sa opis­yal kaha­pon.

Ayon kay Col. Julieto Ando, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, 20 pang MILF renegades mula sa grupo ni Commander Bo­yet at Commander Jikiri ang na­patay ng tropa ng pama­halaan kamakalawa.

Nitong Miyerkules, sa inilunsad na air strike operations ng Armed Forces of the Philippines gamit ang dalawang MG 520 at isang OV 10 bomber plane sa ki­na­roroonan ng lawless MILF groups ay nasa 12 rebelde na na­paslang ang nakita ng mga sibil­yan na hinila sa encounter site ng kanilang mga kasamahan.

Kaugnay nito, pinabu­la­anan naman ni Ando ang napaulat na may na­patay na tatlong CAFGU at isang sundalo sa uma­atikabong bakbakan sa lugar.

Kaugnay nito umaabot naman sa mahigit 30 kaba­hayan ng mga Kris­tiyano sa Brgy. Sangay ang sinu­nog ng lawless MILF group habang nasa 60 kalabaw ang ninakaw ng mga ito maliban pa sa paninira ng mga pana­ nim.

Kasabay nito, pinag­babaril ng MILF ang isang assaut craft ng Philippine Navy habang nakadaong ito sa pier ng Barangay Poblacion, Kalamansig, Sultan Kudarat kama­kalawa ng madaling-araw.

Show comments