3 'kawatan' ng kable, tiklo

BULACAN – Tatlong ka­lalakihan na sinasabing no­toryus na magnanakaw ang naaresto ng pulisya kahapon ng madaling-araw makaraang maaktuhang nagpupuslit ng libu-libong halaga ng kable ng kuryente sa pabrika ng siga­rilyo sa Barangay Tikay, Malo­los City, Bulacan.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Gilbert dela Torre, Dionisio Querol, at Alfredo Silvestre na pawang residente ng Brgy. Bigaang Ma­tanda, sa bayan ng Balag­tas, Bulacan.

Ayon sa hepe ng CIDG sa Bulacan na si P/Chief Insp. Julius Caesar Mana, lumitaw na naghahakot ng saku-sa­kong ipa ng palay ang mga suspek  mula sa  bodega ng pabrika ng si­ ga­rilyo nang namataan ng security guard ang kahina-hinalang ikinikilos ng mga ito.

Napansin ng guwardiya na sa halip na paisa-isa ang la­gay ng mga sako ng palay sa trak ay pinagsabaysabay at tila na­pakabigat ng mga sakong di­ nadala.

Kaagad naman ipina­alam ng sekyu sa isang opisyal ng pabrika na si Julian Linsa­ngan, ang insidente kaya mabilis itong humingi ng police assistance.

Nang papalabas na sa pa­brika ang truck (WGZ-371) ng mga suspek ay kaagad na pina­hinto at ininspeksyon ng mga awtoridad. Romeo “Boy” Cruz

Show comments