Tiyahing mangkukulam dinedo ng pamangkin

BANGUED, Abra – Na­paslang ang isang 78-anyos na pinaniniwalang mangku­kulam makaraang barilin ng kanyang pamangkin noong Lunes ng gabi sa Barangay Zone 3 sa bayan ng Bangued, Abra.

Ayon kay P/Senior Supt. Alexander Pumecha, Abra police director, walang kinala­man sa politika o private armed groups ang pamamas­lang sa biktima kundi paghi­higanti ang pangunahing dahilan.

Bandang alas-9:45 ng gabi nang barilin at mapatay ang biktimang si Florencia Bar­bosa, ng suspek na si Manny Bar­bosa, 25, sa Agoncillo St., ng nabanggit na barangay.

Naaresto naman ang sus­pek na umamin sa krimen kung saan pinatay ng biktima ang ina sa pamamagitan nang kulam na kung tawagin ay mang­kekedet

Sinisi ng suspek ang kan­yang tiyahin na sina­sabing mangkukulam ang pagkaka­sa­kit ng kanyang ina hang­gang sa ito ay mamatay.

Ayon sa matatandang ka­saysayan, ang mangkekedet, ay naglipatan sa ilang bayan sa Abra at Mt. Province kung saan ang mga biktima ay kina­kapitan ng kakaibang sakit hanggang sa ito ay mamatay partikular na ang mga dayu­hang bumibisita sa liblib na kanayunan ng Kalinga. (Artemio A. Dumlao)

Show comments