Koreano tiklo sa buy-bust

Kalaboso ang binagsakan ng isang Koreano makaraang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Sta. Maria Magdalena sa San Pablo City, Laguna noong Biyernes ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Kim Jeom Sug, 40, may-asawa at pansa­mantalang naninirahan sa Sakai, Village, Los Baños, Laguna. Sa ulat ni P/Senior Supt. Manolito Labador, provincial police director, nakumpiskahan ng limang plastic sachet ng shabu si Kim matapos maaktuhang nagbebenta ng droga sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer. (Joy Cantos)

Show comments