Bomb explosion: 3 sugatan

Tatlo-katao ang iniulat na nasugatan kabilang ang isang pulis at misis nito makaraang sumabog ang itinanim na bomba  sa isang police outpose sa Barangay Lagao, General Santos City, South Cota­bato noong Martes ng gabi.

Kinilala ang mga na­sugatan na sina PO1  Jake Boronica, asawa nitong si Liezel at ang isang kawani ng bar na nakilalang si Joy Peñafel.

Sa ulat ng pulisya na na­karating sa Camp Crame, naganap ang insi­dente sa nasabing out­post sa panu­ lukan ng Tiongson at J. Catolico Streets bandang alas-7:50 ng gabi.

Napag-alamang bina­bantayan ni Boronica ang nasabing outpost nang biglang yanigin ito ng pag­sabog. Nabatid na bago ang insidente ay ilang kahina­hinalang kalalaki­han ang nakitang nagma­masid sa lugar. (Joy Cantos)

Show comments