Agawan sa lupain, lolo dinedo

NUEVA ECIJA – Dahil sa pinag-aagawang lupain, ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 71-anyos na lolo ng mga ar­madong kalalakihan sa bisinidad ng Barangay San Jose sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija noong Linggo ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Maximo dela Cruz ng Barangay Papaya, saman­tala, dalawa sa apat na suspek ay nakilalang sina Benito Valerio at Rizaldy Santos na sinasabing utol ni Barangay Chairman Roberto Santos.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Ricardo Marquez, provincial police director, lumitaw na nagtungo ang mga suspek sa palayang binubungkal ng biktima.

Napag-alaman sa ilang testigo na nakipagtalo ang mga suspek na umaangkin sa lupaing pag-aari ng biktima hanggang sa ma­ganap ang pamamaslang. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments