Naging mitsa ng kama tayan ng isang lalaki ang walang habas nitong pagpapaputok ng rebentador matapos na batuhin ng pinaniniwalaang nairitang ‘di pa nakilalang salarin sa Bayambang, Pangasinan kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Romeo Macaraeg, isang magsasaka sa nasabing bayan.
Ayon kay SPO3 Emilio Openia ng Bayambang Police, nagpapaputok lamang ang biktima ng rebentador sa labas ng Municipal Plaza nang bigla na lamang nakita ng kanyang mga kasamahan na nakahandusay na ito.
Sinabi ng ilang mga nakasaksi na bandang alas-7:00 nang gabi bigla na lamang umanong binato ng hindi nakilalang suspek si Macaraeg matapos na marindi sa ingay ng paputok.
Isang malaking tipak ng bato ang sumapul sa ulo ni Macaraeg na agad na bumulagta sa insidente sa tinamo nitong sugat sa kanang panga at ulo.
Nagawa pang itakbo ang biktima sa pagamutan subali’t idineklara na itong dead-on-arrival.
Ayon sa sumuring manggagamot sa naturang biktima, internal hemorrhage ang sanhi ng pagkamatay ng magsasaka. (Joy Cantos)