Police chief naaksidente

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dahil sa kawalan ng early warning device, isang hepe ng pu­lisya ang nasawi matapos na su­malpok ang sina­sakyan ni­yang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Purok 1, Barangay Mala­bog, Daraga, Albay.

Nakilala ang biktima ay si PCInsp. Joseph Redrico, hepe ng Camalig Police at re­ sidente ng Barangay Ilawod, Legazpi City.

Naganap ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi habang ang biktima ay na­kasakay sa kanyang motor­siklo at papauwi sa kanyang bahay. Pero big­lang sumal­pok ang motor­siklo sa isang nakapara­dang truck sa na­turang lugar. Nabatid na nagpa­palit ng gulong sa ta­bing-daan ang driver ng truck subalit wala itong inilatag na early warning divice para babala sa mga pa­parating na sasakyan. Da­hil sa hindi na­pansin ng biktima ang truck, sumal­pok rito ang kanyang mo­tor­siklo. (Ed Casulla)

Show comments