CamNorte lubog sa tubig baha

CAMARINES NORTE - Sa ikalawang pagkakataon simula noong 1995 sa pana­nalasa ng bagyong “Ro­sing,” muling lumubog sa tubig baha ang Cama­rines Norte at naapektuhan ang libu-libong residente at motorista dahil sa patuloy na pag-ulan may dalawang araw na ang nakalipas.

Sa bayan ng Daet, uma­abot na sa 20 kabahayan na nasa gilid ng ilog ang ti­nangay ng malakas na agos ng tubig baha habang apek­tado naman ang 25 ba­rangay particular na sa mga Barangay San Isidro, Ca­mambugan, Bagasbas, Awi­tan, Magang, Lag-On, Co­bang­bang, Alawihao, Ba­rangay 1, 2, 3, 4,  6,  at ang Ba­rangay 8.

Pansamantalang isi­nara ang Maharlika Highway sa bayan ng Labo na naapek­tuhan ng tubig baha particular ang bahagi sa Brgy Bagong Silang dahil sa pag apaw ng ilog na siyang pangunahing lan­sangan patungong May­nila.

Apektado rin ang inu­ming tubig sa mga bayan ng Daet, San Vicente, Vinzons, Ba­sud, Merce­des, Talisay at Labo ma­tapos mawasak ang linya ng Camarines Norte Water District sa bahagi ng Ba­rangay Banban sa bayan ng San Vicente.

Gayon pa man, sina­mantala ng ilang negos­yante ang biglaang pag­kawala ng daloy ng tubig inumin kaya biglang tu­maas ang presyo sa mga commercial establishment. (Francis Elevado)

Show comments