Mag-aama minasaker

BAGUIO CITY – Tatlong miyembro ng pamilya ng isang preso na sinasabing gun-for-hire ang pinagba­baril hanggang sa mapatay noong Lunes ng gabi sa ka­habaan ng highway na sa­kop ng Ba­rangay Nagreb­bcan sa bayan ng Badoc, Ilocos Norte.

Ang mga biktimang inam­bus ng ‘di-pa kilalang grupo ng mamamatay-tao ha­bang na­kasakay ng kareta na hila-hila ng baka ay nakilalang sina Bernabe Agapay, at ang dalawa nitong anak na Ken­nedy at Eliseo.

Tinamaan naman ng bala ng baril sa hita ang ina na si Marcelina na siyang naka­pagbigay ng impormas­yon sa himpilan ng pulisya.

Napag-alamang papauwi na ang mga biktima sa Ba­rangay Barangobong sa ba­yan ng Nueva Era, Ilocos Nor­te nang harangin at rat­ratin ng mga armadong kala­laki­han.

Sa ulat ng pulisya, kali­mi­tang nagbebenta ng uling ang mag-aama sa pamili­hang bayan ng Badoc at tu­wing Lu­nes naman ay bumi­bisita sa kanilang kapatid na si Jaime Agapay na naka­kulong.

Naunang pinaslang ang nakatatandang utol ni Jaime na si Pacifico na sinasabi ring gun-for-hire.

Sa kanyang kulungan, sinabi ni Jaime Agapay na kagagawan ng dalawang opisyal ng barangay sa ka­nilang bayan ang pagpatay sa kanyang ama at dala­wang kapatid.

Inakusahan ni Jaime, ang isang opisyal ng ba­rangay na siyang nagbigay ng impor­masyon sa mga awtoridad kaugnay sa kan­yang trabaho dahil hindi nito pinahiram ng M16 rifle na gagamitin sana sa pagpatay sa isang alyas “Diablo” sa bayan ng San Nicolas sa Ilocos Norte.

Show comments