2 minero nilamon ng lupa

LEGAZPI CITY – Dalawang minero na pinani­niwalaang dumayo sa pagmimina ang iniulat na nasawi makaraang gumuho ang tunnel kamakalawa ng gabi sa Purok 7, Barangay Luklukan Sur sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte. Nakilala ng pulisya ang mga biktima na sina Edmund Flores, 21, ng Atimonan, Quezon at Domingo Ruiz, 21, ng Barangay Gurani, Bataan. Sa ulat ng pulisya, naitala ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa maliit na minahan na sinasabing pag-aari ni Jose Enrico. Narekober naman ang mga bangkay ng biktima matapos ang rescue operation. (Ed Casulla)

Show comments