De-kuryenteng traysikel inilunsad sa Bulacan

MARILAO, Bulacan –Bilang pagtugon sa lumala­lang problema sa polusyon at mataas na presyo ng gasolina, inilunsad  ang ka­una-unahang de-kuryen­teng traysikel (E-trike) sa bayan ng Marilao kahapon ng umaga.

Dinisenyo at minodify ang E-trike ng mag-amang Antonio at Councilor Allan Aguilar ng Brgy. Lias sa nabanggit na bayan.

Napag-alamang pina-aandar ng apat na 12 volts rechargeable batteries ang E-trike na tumatagal ng wa­long oras at umaabot sa 80 hanggang 100 kilometro ang biyahe.

Gaya ng ordinaryong traysikel, ang E-trike ay nakapaglululan ng apat na pasahero at may bilis na 30 hanggang 40 kilometro kada oras.

Dalawa hanggang anim na oras ang charging time ng ba­ terya at umaabot ng P150,000 hanggang P175,000 halaga ng kabu­uang traysikel, kasama ang mga aksesorya tulad ng battery charging kit, watt hour meter, ampere/voltage meter at built in automatic overcharge protection timer.

Ayon kay Konsehal Agui­lar, naitala ng DOTC ang hindi bababa sa 2.8-milyong traysikel sa bansa at ang mga ito ay maituturing na pa­ngunahing contributor ng air at noise pollution.

Ipinaliwanag pa niya na umaabot lamang sa P20 hanggang P25 ang maga­gastos sa kuryente ng pag­kakarga ng E-trike kumpara sa P200 hanggang P250 gastos sa gasolina ng isang ordinaryong traysikel sa pa­mamasada kada araw.  (Dino Balabo)

Show comments