Sanggol dinukot sa ospital

ILOILO CITY – Pi­naniniwalaang hidwaan ng dalawang pamilya kaya dinukot ang ba­gong silang na sanggol ng isang babae na nag­pang­gap na nurse sa loob mis­mo ng Aleosan District Hospital sa ba­yan ng Ali­modian, Iloilo noong Bi­yernes ng uma­ga.

Napag-alamang ka­lung-kalong ni Rosalina Anino, ang kanyang apo na si Jurosh Portillo sa OB ward ng nabanggit na ospital nang lapitan ng isang babae na na­kasout na nurse at naka-surgical mask ban­dang alas-9 ng umaga.

Sinabi ng nurse na paliliguan lamang ang sanggol kaya tuwang-tuwa naman at nag-atu­biling ibinigay ni Anino.

Nabatid na si Jurosh na isinilang ni Rose Ann Anino, 19, ng Sitio Arca, Poblacion, ay kasalu­kuyang nagpapahinga sa recovery room ng na­sa­bing ospital noong araw rin ‘yun at walang alam sa naganap na insidente.

Gayon pa man, na­alarma ang pamilya Anino dahil makalipas ang da­lawang oras ay hindi pa naibabalik ang sanggol na si Jurosh kaya nag-usisa sila sa ilang nurse sa ospital hanggang sa mabatid na nagpanggap lamang na nurse ang kumuha sa bata.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ni PO2 Sandy Jarder, lumilitaw na posi­bleng ang pag-kidnap sa sanggol ay may kaugna­yan sa alitan ng pamilya ng babae at lalaki

Inimbitahan naman ng pulisya ang ama ng sang­gol na si John Ed­cel Por­tillo, 23, para magbigay linaw sa naganap na in­sidente.

Lumilitaw rin sa im­bes­tigasyon na nagka­ki­lala lamang ang dalawa sa pamamagitan ng text message hanggang sa magkarelasyon at ma­buntis ang babae.

Nag-offer naman ng kasal ang lalaki subalit sa hindi nabatid na da­hilan ay tutol ang pa­milya ng babae, ayon pa sa ulat ni Jarder. (Ronilo Ladrido Pamonag)

Show comments