Pangulo ng transport group sinunog

CAVITE – Nakilala na kahapon ng pulisya ang sunog na bangkay ng lalaki na inabandona ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa ma­sukal na bahagi ng Daang Hari sa Barangay Pasong Buwaya 1, Imus, Ca­vite.

Sa police report na isi­numite kay P/Senior Insp. Matias Montefalcon kinilala ang biktima na si Edmon Tan, 55, may-asawa, presi­dente ng Macro Transport Cooperative at residente ng St. Charles Street, Saint Joseph Park Subd. sa Ba­rangay Pulang Lupa, Las Piñas City.

Ayon kay PO2 Randy de La Rea, natagpuan ang bangkay ni Tan dakong alas-7 ng umaga sa old dumpsite ng nabanggit na barangay.

Positibo naman nakilala ng misis ang sunog na kala­ha­ting katawan ng kanyang mis­ter dahil sa palatandaan may opera ito sa ari.

Bago mawala si Tan ay naipagbigay-alam nito sa kan­yang misis na may nag­babanta sa kanyang buhay matapos na mapa­talsik ang kalabang transport group sa nasabing lugar.

Hindi na nakauwi si Tan si­mula pa noong Linggo ng Nob 2 hanggang sa ma­tag­puan ang bangkay nito sa na­bang­git na barangay at na­wawala rin ang kulay ber­deng Mitsu­bi­shi Adventure (XCH-148) ng biktima.

Masusing iniimbestiga­han ng pulisya kung may kinala­man ang kalabang asosas­yon.

Show comments