2 itinumba sa Cavite

CAVITE – Dalawang sibilyan ang iniulat na napaslang sa naganap na magkahiwalay na insidente ng karahasan sa Silang, Cavite kahapon. Sa ulat ni SPO1 Noel Villamor, si Welina Salazar, 23, ay sinaksak at napatay ng ka-live-in na si Reynante Florendo sa loob ng kanilang tirahan sa Barangay Lalaan 2, Silang, Cavite. Napag-alaman naman sa ulat ni PO1 Robert Dimalig, na si Jolito “Momoy” Lacaba, 27, ay binaril at napatay ng suspek na si Emilio Sulit habang naglalakad ang biktima kasama ang kanyang utol sa Bulihan Cemetery sa Sitio Malipa, Brgy. Maguyam, Silang, Cavite kamakalawa ng gabi. Cristina Timbang

Show comments