CAVITE – Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang pagpapatiwakal ng isang 18-anyos na katulong sa pamamagitan ng pag-inom ng sari-saring gamot sa loob ng kanyang kuwarto sa bahay ng kanyang amo sa Imus sa lalawigang ito kahapon.
Patay na nang maisugod sa Our Lady of Pillars hospital ang biktimang si Jenalyn Cabigan, dalaga at stay-in housemaid sa Legion Subdivision, B-10 L-13 Barangay Bucandala 3 sa Imus.
Sa imbestigasyon ni PO2 Jessie Avila, dakong alas-10:30 ng umaga nang isugod ni Ernesto Soriano Samaniaga, amo ni Cabigan, ang biktima matapos na makitang bumubula ang bibig nito.
Napag-alaman ng pulisya na uminom umano ng iba’t ibang klase ng gamot ang biktima tulad ng dalawang pirasong sodium, apat na mefenamic acid at 10 pirasong ferrous sulfate ang dalaga.
Huling nakitang buhay ang biktima na malungkot, hindi umano nagkikikibo at parang walang kasigla-sigla.
Matapos maglinis ng ba hay ay pumasok na sa loob ng kanyang quarter si Cabigan at dito na siya nabungaran ng tawagin ng kasambahay na naghihingalo dahil sa dami ng ininom na gamot.
Iniimbestigahan pa ang nasabing insidente ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo ng pagpapatiwakal ng biktima at inaalam din kung may foul play sa ginawang pagpapakamatay nito.