CAMP VICENTE LIM, Laguna – Mas napaaga ang salubong ni kamatayan kaysa sa Undas sa dalawang anak na babae ng regional director ng Department of Trade and Industry (DTI) na grabe namang nasugatan sa naganap na road mishap kahapon ng madaling-araw sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro.
Kinilala ang mag-utol na sina Joelle Dominique Valera, 20, bagong gra duate sa University of the Philippines (UP) Diliman, Quezon City at Joelle Cecilia, 18, kapwa estudyante ng University of the Phils. (UP Diliman) sa Quezon City.
Ginagamot naman sa San Jose Hospital, ang sugatang si Joel Valera, 51, regional director ng DTI sa Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan at pawang mga residente ng Gomez Village, Brgy. Pag-asa, San Jose, Occidental Mindoro.
Sa ulat ni P/Chief Supt. Luisito Palmera, naganap ang trahedya sa West Coast Highway ng Barangay Bubog dakong alas-12:20 ng madaling-araw.
Sa inisyal na imbestigasyon, bumabagtas ang mag-aama sakay ng Nissan Terrano (RAN-377) mula sa Maynila sa nasabing highway nang masalpok ito ng kasa lubong na truck ni Leandro Giron.
Napag-alamang pauwi na ang mag-aama sa kanilang bahay sa bayan ng San Jose para gunitain ang nalalapit na Undas nang makasalubong si kamatayan. Arestado naman ang drayber ng truck na nahaharap sa kasong kriminal. (Arnell Ozaeta at Joy Cantos)