Kasong rebellion vs Principe ibinasura

Candon City, Ilocos Sur – Dinismis ng provincial pro­secutor ang kasong rebellion laban kay Elizabeth Principe na naunang pinagsuspetsahang lider ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army.

Sinabi ni Prosecutor Redentor Cardenas sa kanyang tatlong pahinang resolusyon na walang sapat na basehan ang kasong rebellion na isinampa sa korte laban kay Principe. 

Si Principe na sinasabing consultant ng peace panel ng National Democratic Front ay nadakip sa isang mall sa Metro Manila noong Nobyembre 28, 2007. Isinabit siya sa isang kasong murder sa Ilocos Sur na naganap noong 1991.

Iginiit ni Principe na isa siyang paramedic sa Cagayan Valley hanggang sa siya ay maaresto.  (Artemio Dumlao)

Show comments