Mag-iina nalason sa panis na fried chicken

DARAGA, Albay – Isang ina at dalawang anak nito ang isinugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital nang malason sa nakain nilang panis na fried chicken na naunang nabili sa isang tabing-kalsada sa Barangay Inarado ng ba­yang ito kamakalawa ng gabi. 

Sinasabing nahilo at nag­susuka sina Virginia Ma­gallon at mga anak niyang sina Charissa at Catrina makaraang makain ang pritong manok.

Napag-alaman na nagpa­bili ng fried chicken ang mister ni Virginia sa isa niyang kaibigang si Porporio Natad Jr. kaya mabilis itong nag­tungo sa poblacion upang bu­­mili ng pagkain. Nabatid ang fried chicken sa YOKS, isa sa mga tindahang nag­la­lako ng pritong manok sa tabi ng kalsada sa harapan ng Ninoy Aquino Park.

Mabilis naman na pinag­saluhan ng mag-iina na ka­ni­ lang inulam sa kanilang hapu­nan ang fried chicken subalit makalipas ang ilang oras ay na­hilo at nagsusuka sila hang­gang isugod sila sa ospital.

Lumitaw sa pagsusuri ng mga duktor na positibong nalason sa panis na fried chicken ang mga biktima.

Show comments