Mag-asawa inutas sa palengke

Napaaga ang salubong ni kamatayan sa mag-asawang negosyante makaraang rat­ratin sa pamilihang bayan ng Ibajay, Aklan kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina ret. P/Se­nior Inspector Romeo Inggada, dating hepe ng pu­lisya sa bayan ng Ibajay at misis nitong si Lourdes Inggada.

Sumuko naman sa pu­lis­ya ang suspek na si Manuel alyas Dodoy Palay matapos mapatay ang mag-asawa.

Sa police report na isi­numite sa Camp Crame, naganap ang krimen habang inaasikaso ng mag-asawa ang kanilang puwesto sa palengke.

Sa pahayag sa pulisya ni Armando Magallanes, ba­yaw ng dating police chief, matagal nang may kinikim­kim na galit ang suspek kay Romeo  na humantong sa pamamaslang.

Sa inisyal na imbesti­gas­yon, lumilitaw na alitan sa lu­pain ang motibo ng pama­mas­lang sa mag-asawa.

Kasalukuyan na ngayong nakapiit sa himpilan ng pu­lisya sa bayan ng Ibajay ang suspek habang inihahanda na ang pagsasampa ng ka­song kriminal. Joy Cantos

Show comments