3 mag-uutol nagpatayan

LEGAZPI CITY – Pinaniniwalaang agawan sa minanang lupain ang isa sa ugat kaya pinaslang ang mag-utol na magsasaka ng sariling kapatid at pamangking lalaki sa Zone 7, Barangay So­god sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur kamakalawa.

Nakilala ang mga napaslang na sina Ronnie San Juan, 45 at Renato San Juan, 48, habang tugis naman ang mga suspek na sina Romeo San Juan, 58; at Erwin San Juan, 27.

Base sa police report, naganap ang krimen sa baku­ran ng bahay ng mag-utol kung saan itinaong nag-iinuman ng alak ang dalawang biktima saka pinagtulungang saksakin at hatawin ng baseball bat.

Napag-alamang pinag-awayan ng mag-uutol ang lupaing minana mula sa kanilang mga magulang. (Ed Casulla)

Show comments