Tinyente nautas sa jogging

Napaaga ang salu­bong ni kamatayan sa isang 43-anyos na tin­yente ng pulisya ha­bang ito ay nagjo-jogging kaugnay ng pag­sasailalim sa physical fitness test (PFT)  sa Teachers Camp, Ba­guio City kamakalawa. Naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay si P/Inspector Abraham Bebeday, may-asawa, tubong Tabuk City, Kalinga at nakatalaga sa Kalinga police headquarters. Si Bebeday na miyembro ng Class Expanded Police Senior Officer Class-96-08 na suma­sailalim sa training exercise, kasama ang  iba pang opisyal ng Police Senior Board Regional Class  2008 sa Upper Session Road nang biglang natumba sa pagjo-jogging. Pina­niniwalaang may hypertension o sakit sa puso ang biktima habang patuloy ang imbestigas­yon. (Joy Cantos)

Show comments