70-katao tiklo sa cybersex

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Aabot sa 70-katao kabilang na ang isang Koreano ang naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Region 4A sa isinagawang ope­rasyon sa cybersex den sa bayan ng Biñan at Calamba City sa Laguna kahapon ng uma­ga. Kinilala ni P/Senior Supt. Christopher Laxa, hepe ng CIDG-Region 4, ang pinaniniwalaang financier ng cybersex den na si Kim San Taek, 46, ng Givalink In­ternational na may mga puwesto sa Laguna at Cavite. Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Ceasar Mangrobang ng Imus Regional Trial Court Branch 22 sa Cavite, sinalakay ng mga awtoridad ang tatlong puwesto ni Taek na nagpapalabas ng pornographic materials sa pamamagitan ng Internet. (Arnell Ozaeta)

Show comments